Lolo, sugatan sa sunong sa Tondo, Maynila

Sugatan ang isang lolo matapos matupok ang sarili niyang bahay sa Trinidad Rizal kanto ng Herbosa St., Brgy. 92 Tondo, Maynila.

Lapnos ang mukha at magkabilang braso ng biktima na nakilalang si Ed Tongco na agad namang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, aabot sa tatlong bahay ang tinupok ng apoy at anim na pamilya naman ang naapektuhan nito.

Dalawang oras inabot ang sunog bago tuluyang naapula.

Aabot sa mahigit P50,000 ang tinatayang halaga ng pinasala ng sunog na patuloy pang inaalam ang pinagmulan.


 

 

 

 

 

 

Read more...