Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang pagbibitiw ni Lebanese Prime Minister Saad al-Hariri sa kanyang pwesto noong Sabado.
Si al-Hariri na kilalang malapit sa Saudi Arabia ay nagresign dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.
Inaakusahan ng Saudi ang “Hezbollah”, isang militanteng Lebanese group at sinasabing suportado ng Iran na magpapalipad ng missile mula Yemen.
Nangangamba ang maraming Lebanese na naiipit ang kanilang bansa sa mas lalim na away ng Saudi Arabia at ng pinakamalaking competitor nito sa rehiyon – ang Iran.
Ilang political groups naman ang nananawagan sa pagbabalik ni Hariri at iginiit na nagresign lamang ito dahil sa pressure ng mga taga-Saudi.
Ilang oras matapos ang utos ng Saudi Arabia ay naglabas na rin ng travel advisory laban sa Lebanon ang kakamping bansa nito na Kuwait.