Sa 2:00 AM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 75 kilometro, hilagang-kanluran ng Ambulong, Batangas.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na nasa 65 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 110 kph.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong West-Northwest sa bilis na 22 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang moderate to heavy rainfall sa 250 kilometrong diametro nito.
Nakataas pa rin ang Tropical Storm Warning Signal Number 2 sa:
Metro Manila,
Bataan,
Cavite,
Laguna,
Batangas at
northern section ng Oriental at Occidental Mindoro.
Signal number 1 naman ang nakataas sa mga lalawigan ng:
Bulacan,
Pampanga,
Southern Zambales,
Rizal,
Camarines Norte,
Marinduque,
Quezon, rest of Oriental at Occidental Mindoro
Inaasibuhan pa rin ng PAGASA ang mga nasa ilalim ng Signal Number 2 at 1 kabilang na ang Central Luzon na maging alerto sa posibilidad ng mga pagbaha at landslides dulot ng naturang bagyo.