May kinalaman ang naturang reklamo sa trahedya ng Mamasapano incident noong January 25, 2015 kung saan nasa 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force ang nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay VACC spokesperson Arsenio Evangelista, sinadya ng Ombudsman na ihain ang reklamo upang pangunahan ang kanilang inihahandang petisyon sa Korte Suprema.
Sa ilalim aniya ng petisyon, kanilang kukuwestyunin sana kung bakit mga kasong usurpation of authority at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act lamang may pananagutan ang dating pangulo.
Bukod dito, hindi rin aniya nakasuhan si Aquino dahil sa pagkamatay ng 44 na SAF officers at sa halip, inirereklamo lamang ito dahil sa pagpayag na pangunahan ni dating PNP Chief Alan Purisima ang Oplan Exodus na operasyon para mahuli ang teroristang si Marwan.
Una rito, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang inihaing reklamo ng VACC at mga kaanak ng SAF 44 laban kay Aquino.