Higit pa sa doble kasi ang kabuuang bilang na naitala noong 2016 kumpara noong 2015.
Sa isang road safety forum ay iprinisenta ng DOTr ang datos mula sa Highway Patrol Group kung saan naitala ang 2,144 na nasawi sa mga aksidente sa lansangan noong nakaraang taon.
Mas malaki ito ng 106 percent sa naitalang bilang ng namatay noong 2015 na 1,040 lang.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Arnold Fabillar, isa na itong “major concern” na kailangang solusyonan at tatargetin anya na mabawasan ang mga aksidente o kung hindi man ay totoong maiwasan.
Tumaas din ang bilang ng “road crashes” o banggaan sa 32, 269 nitong 2016 mula sa 24, 656 na naitala noong 2015.
Mataas ito ng 31 porsyento at naitatala ang mas maraming aksidente tuwing ‘daytime’ ayon sa kagawaran.
Ayon kay Fabiliar, isa sa pinakadahilan ng mga aksidenteng ito sa lansangan ay ang kakulangan sa road safety features ng bansa.
Iginiit ng opisyal na kumpara sa ibang bansa sa Asya ay “less competitive” ang imprastraktura ng mga lansangan sa Pilipinas.
Ipatutupad naman anya ang ilang mga pagbabago tulad ng PUV Modernization Program at implementasyon ng Bus Rapid Transit (BRT) System na dalawa sa mga pangunahing proyekto ng DOTR.
Pasisinayaan din ang 2017 Road Safety Comprehensive Plans (PRSAP) sa November 19 para tugunan ang road safety problems ng bansa.
Anya, naglaan ang gobyerno ng apat na milyong budget para dito at layon nitong maabot ang zero casualty sa mga “road crashes” sa taong 2022.