Sa pagharap ng pangulo sa mg Pilipinong namamalagi sa Vietnam, ipinagmalaki ng pangulo na kahit nasa murang edad ay nagawa na niyang manaksak ng tao.
Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi siya natatakot na makulong sa gitna ng mga banta ng mga human rights groups na kumukuwestyon sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Noong teenager pa lamang siya, ipinaliwanag ng pangulo na malimit siyang napapasali sa mga rambol.
Sa isang insidente aniya ng kaguluhan na kanyang kinasangkutan, ikinuwento ng pangulo na dito niya nagawang makasaksak ng tao na kanyang napatay.
Pahayag pa ng pangulo, dahil lamang sa masamang tingin, ay kanyang nagawang masaksak ang nakaalitan.
“At the age of 16, may pinatay na ako, tao talaga, rambol, saksak. Noon 16 years old yun, nagkatinginan lang. E lalo na ako ngayong presidente ako.” Pahayag ng pangulo.
Ito aniya ang dahilan kung kaya’t handa siyang ipaglaban ang mga Pilipino ngayong siya na ang presidente.
Umani naman ng hiyawan at palakpakan mula sa mga PInoy ang naging kuwento ng Pangulo.
Ang pangulo ay nasa Vietnam para dumalo sa APEC summit.