Sa isang press conference sa Da Nang Vietnam, sinabi ng Pangulo na kanyang isusulong sa China na magtaguyod ng Code of Conduct na maaring pagkasunduan ng mga bansang pare-parehong umaangkin sa ilang lugar sa South China Sea.
Bilang Chairman aniya ng ASEAN Summit, kanyang ihahayag ang pagkabahala sa sitwasyon sa naturang lugar.
Kanyang hihingin aniya ang katiyakan sa pangulo ng China na mananatiling malaya ang paglalayag at pagdaan ng mga barko sa naturang lugar.
Pero giit ng pangulo, hindi nito nais na mawala ang pakikipagkaibigan nito sa China.
Ang China aniya ay isang mabuting kaibigan ng Pilipinas at kailangan ng bansa ang tulong nito.
Sa Sabado, nakatakdang magharap sa isang bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Preisdent Xi Jinping.