Iprinisinta sa media ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang mga produkto na tinatayang nagkakahalaga ng tatlong daang milyong piso.
Ayon sa opisyal, malaking tulong ang pagsumbong ng isang concerned citizen sa ahensiya matapos mapansin ang pagdating ng mga kahina-hinalang produkto sa lugar.
Nakumpiska ang ilang sigarilyo, food seasoning at sabon na angkat mula sa China.
Sa isinagawang inspeksyon, ipinakita ni Lapeña ang katibayan na peke ang mga nasabat na produkto dahil bawat pakete, iisa ang nakalagay na bar code o numero nito.
Magsasagawa rin ng kaukulang imbestigasyon ang ahensiya kaugnay nito.
Samantala, muling pinayuhan ng opisyal ang publiko na tiyaking ligtas at orihinal ang mga produkto bago bilhin upang walang maranasang kapahamakan sa kalusugan./