Burol ni Isabel Granada, hindi pa muna bukas sa publiko

 

Mahigpit ang seguridad sa labas ng Greenhills East Village kung saan matatagpuan ang Santuario de San Jose Parish na siyang pinaglalagakan ng mga labi ng aktres na si Isabel Granada.

Ayon sa mga gwardya na nagbabantay doon, pawang mga pamilya at kaibigan lamang ang maaaring dumalaw sa aktres ngayong gabi at bukas, simula alas diyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon naman ang public viewing.

Naglabas na rin ng opisyal na schedule patungkol sa burol at cremation ng aktres.

Sa litratong ipinost ni Chuckie Dreyfus, nakasaad na bukas, simula alas singko ng hapon hanggang alas dose ng madaling araw ay private viewing ulit para sa mga kaibigan at pamilya.

Pagdating naman ng Sabado, November 11, ay simula alas diyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon magiging bukas ulit sa publiko ang pagbisita sa aktres.

At hanggang alas dose ng madaling araw na ang huling private viewing.

Samantala, sa Sabado rin, sa ganap na alas siyete ng gabi ang eulogy para sa aktres.

Sa Linggo naman, November 12, sa ganap na alas onse y media ay dadalhin ang mga labi ng aktres sa Arlington.

Ala una ng hapon gaganapin ang huling misa at pagbabasbas sa altres, at pagsapit ng alas dos ng hapon ay isasagawa na ang cremation.

Alas cuatro naman ng hapon naman ibabalik ang mga abo ni Isabel sa Santuario de San Jose.

Read more...