Sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo na pinangalanang Salome ay huling namataan sa bisinidad ng Mondragon, Northern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras. Kumikilos ang ito sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Dahil sa nasabing bagyo, itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Ticao Island
- Burias Island
- Romblon
- Marinduque
- Southern Quezon
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
Ayon sa PAGASA, makararanas ng malakas na ulan ang mga lugar na sakop ng storm warning signal number 1, gayundin ang nalalabi pang bahagi ng Bicol region, CALABARZON, eastern section ng Central Luzon at maging Metro Manila.
Sa Sabado pa inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.