Negosyanteng si Kenneth Dong, nakalaya na

Laya na ang negosyanteng si Kenneth Dong matapos ibasura ng Paranaque City Regional Trial Court Branch 195 ang kaso nitong panggagahasa.

Wala nang suot na posas si Dong nang magtungo sa Department of Justice para maghain ng rejoinder affidavit sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa transaksyon ng droga.

Ayon kay si Atty. Jun Ungab, abogado ni Dong, nakalaya ang negosyante nitong nagdaang Lunes, dalawang araw matapos i-dismiss ni Judge Aida Estrella Macapagal ang kaso.

Sa pagdinig, maghahain pa aniya sila ng motion to bail nang biglang maghain ng affidavit of desistance ang nagreklamong negosyanteng babae para hindi ituloy ang kaso.

Gayunman, hindi na nabanggit ni Ungab kung bakit nag-backout ang complainant.

Samantala, sangkot din si Dong sa kontrobersyal na 6.4-billion peso shabu shipment mula sa China.

Read more...