Bonus at cash gift ng mga empleyado ng gobyerno ibibigay na sa susunod na linggo

Inquirer photo

Simula ngayong buwan ng Nobyembre ay matatanggap na ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang cash gifts at year-end bonus.

Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno aabot sa 1.3 milyon na mga empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa P6.9 Billion na cash gift at P32.8 Billion na year-end bonus na inilaan para sa pambanang budget.

Ibinalita rin ni Diokno na hiwalay pa ito sa matatanggap na P5,000 na dagdag na cash gift.

Sa November 16 sisimulan ang pamamahagi ng cash gifts at year-end bonus na naatraso ng ilang linggo dahil sa ASEAN Summit.

Nauna na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa simula ng taong 2018 ay magiging doble na rin ang matatanggap na sahod ng mga sundalo at mga pulis.

Read more...