Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisilbing officer-in-charge sa pamahalaan si Executive Sec. Salvador Medialdea habang siya ay nasa Vietnam.
Ang pangulo ay umalis sa bansa kaninang hapon para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders meeting sa Da Nang Vietnam na tatagal hanggang sa November 11.
Bago umalis ay nilagdaan ang pangulo ang special order number 993 na nag-aatas kay Medialdea na pangasiwaan ang buong executive branch ng gobyerno.
Maliit lamang ang entourage ng pangulo sa gaganaping APEC Summit kung saan ay kabilang sina Presidential Spokesman Harry Roque, Communication Sec. Martin Andanar at Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano.
Magkakaroon naman ang pangulo na makausap sa Vietnam sina U.S President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Pasado alas-siyete ng gabi oras sa Pilipinas nang bumaba sa Da Nang, Vietnam ang Philippine Airlines chartered flight na sinasakyan ng pangulo.