2 sakay ng bumagsak na eroplano sa Aurora natapuan na

Natagpuang ligtas ang lalaking piloto at babaeng student pilot na sakay ng bumagsak na Cessna 152 type aircraft sa bulubunduking bahagi ng Pantabangan, Aurora.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, natagpuan ang dalawang sakay ng rumespondeng mga tauhan ng Philippine Air Force pasadp ala-una ng tanghali kanina.

Hindi pa aniya nakukuha ang dalawa dahil walang malapagan ang rescue plane dahil mabundok ang naturang lugar.

Dagdag pa ng opisyal, nasa final test na sana ang student pilot nang biglang mangyari ang aksidente at hindi pa rin aniya tiyak kung sino ang nagpapalipad ng training plane ng bumagsak ito.

Sa ngayon, hindi na muna isinasapubliko ang pangalan ng instructor, student pilot at maging ang pangalan ng flying school na may-ari ng bumagsak na Cessna plane.

Kahapon ng tanghali unang naiulat ang pagbagsak ng nasabing eroplano sa lalawigan ng Aurora.

Read more...