Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang 81 wanted na Chinse dahil sa mga kasong may kinalaman sa cyber fraud.
Ikinasa ang opearasyon ng mga tauhan ng BI kasama ang Counter Intelligence Task Force ng Philippine National Police sa Burgundy Corporate Tower, Gil Puyat Avenue, Makati City.
Sa nasabing gusali ay isa-isang dinampot ang mga banyaga na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad at isinakay sa isang bus papuntang Immigration.
Ayon kay Grifton Medina, tagapagsalita ng BI, matagal nang hiningi ng China ang tulong ng bansa para maaresto ang mga puganteng dayuhan.
Dagdag naman ni Bobby Raquepo, Chief ng Fugitive Search Unit ng BI, walang immigration documents ang mga nahuli at tinatago ng mga ito ang kanilang totoong pagkakakilanlan.
Agad isinailalim sa verification process ang mga nahuli at inalam ang records sa Chinese Embassy.
Dinala sila sa Immigration facility sa Camp Bagong Diwa at habang ipinoproseso ang papapag-deport sa kanila pabalik ng China.