Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Isabela, anumang oras ay magpapakawala ng tubig mula sa Magat Reservoir.
Tinatayang aabot sa dalawang daang metro kubiko bawat segundo (200 cms) ang pakakawalang tubig na maari pang madagdagan depende sa lakas ng ulan na mararanasan sa bahagi ng watershed.
Pinayuhan ng Isabela PDRRMC ang ang mga nakatira malapit sa Ilog Magat, Cagayan River, at Pinacanauan River, na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil posibleng makaranas ng paglaki ng ilog sa kasagsagan ng pagpapakawala ng tubig sa dam.
Muling maglalabas ng abiso ang PDRRMC hinggil sa estado ng pagpapakalawa ng tubig sa Magat Dam Spillway.