Pagbisita ni Trump sa demilitarized zone sa pagitan ng North at South Korea, hindi natuloy

Naudlot ang sorpresang pagbisita sana si United States President Donald Trump sa demilitarized zone o DMZ sa pagitan ng North at South Korea.

Ayon sa White House Press Secretary Sarah Sanders, nakansela ng biyahe ni Trump dahil sa sama ng panahon.

Mismong ang U.S. Secret Srvice at militar ang nagrekumenda na huwag nang itulog ni Trump ang planong pagbisita sa DMZ.

Ani Sanders, dapat sana’y kasama ni Trump si South Korean President Moon Jae-in sa naturang unannounced vist sa DMZ.

Dagdag nito, dalawang beses na nagtangka si Trump na makapunta sa DMZ ngunit hindi pinilit ang biyahe dahil sa “heavy fog” sa lugar.

Sinabi ni Sanders na dismayado si Trump sa pagka-udlot ng kanyang pagpunta sa DMZ.

Si Trump ay nasa kasagsagan ng kanyang Asian tour, ngunit hindi inanunsyo ang pagtungo nito sa DMZ sa gitna ng tensyon sa pagitang Amerika at NoKor dahil sa nuclear program ng Pyongyang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...