Tatlong magkakasunod na aberya na ang naitala sa biyahe ng MRT

(UPDATE) Ilang oras mula nang magsimula sa operasyon, nakapagtala na ng magkakasunod na aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT).

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter, unang naitala ang aberya alas 6:25 ng umaga ng Miyerkules.

Pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue, northbound dahil sa isang tren na nakaranas ng technical problem.

Itinaas sa category 3 ang status ng biyahe at ibinalik sa depot ang nagka-problemang tren.

Samantala, makalipas ang mahigit isang oras, naitala naman ang ikalawang aberya sa MRT.

Alas 7:38 ng umaga nang pinababa ang mga pasahero sa bahagi naman ng Cubao northbound.

Ito ay dahil din sa tren na nakaranas ng technical problem.

Naintala naman ang ikatlong aberya ngayong araw sa bahagi ng Buendia station Southbound.

Pinababa din ang mga pasahero ng isang nagkaproblemang tren, alas 9:21 ng umaga.

Ang mga pasahero na naapektuhan sa dalawang magkasunod na aberya ay pinasakay na lang sa mga kasunod na tren.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...