Epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng Miyerkules (Nov. 8), nagpatupad na ng partial lockdown sa CCP Complex sa Pasay City.
Sakop ng lockdown ang Philippine International Convention Center (PICC) at Hotel Sofitel.
Dahil dito, lahat ng mga kalsadang nakapalibot sa mga apektado ng lockdown ay hindi madaraanan ng mga motorista maliban na lamang sa mga delegado ng ASEAN Summit.
Una nang nagpalabas ng Memorandum Circular ang Malakanyang at sinususpinde ang trabaho sa lahat ng government offices na nasa loob ng PICC Complex mula ngayong Nov. 8 hanggang sa Nov. 12.
Apektado ng suspensyon ang pasok sa Securities and Exchange Commission at Professional Regulation Commission.
Ayon sa SEC, ang mga mayroong transaksyon sa kanilang tanggapan ay maaring magtungo sa kanilang satellite offices na matatagpuan sa SM North EDSA; Ali Mall, Cubao; Robinson’s Galleria; SM Manila at Muntinlupa City Hall.
Samantala, sa Nov. 11, simula alas 10:00 ng gabi, ipatutupad na ang complete lockdown sa palibot ng SMX-MAAX Block sa Pasay City.
Habang sa November 12, alas 12:01 ng madaling araw, complete lockdown na din ang ipatutupad sa CCP Complex.