Pagsasaayos ng mga pasilidad sa Pag-asa island, sinimulan na

 

Sinisimulan na ng pamahalaan ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa islang inookupahan nito sa South China o West Philippines Sea.

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inumpisahan na ng contractor ang pagtatayo ng beach ramp sa Pag-asa island na isa sa pinakamalaking isla na okupado ng Pilipinas sa Spratlys.

Ang beach ramp aniya ay mahalagang bahagi ng proyekto upang madala ang iba pang mga materyales at kagamitan sa isla.

Sa oras aniyang maihatid ang mga materyales, maari na rin ma-upgrade ang paliparan sa isla at makapagtaguyod ng bagong daungan para sa mga mangingisda.

Kung makikisama aniya ang panahon, inaasahang matatapos ang proyekto sa unang bahagi ng susunod na taon.

Aabot sa 1.3 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga pasilidad sa Pag-asa o Thitu island.

Read more...