4 na miyembro ng pamilya, patay sa dump truck sa Camarines Norte

 

FB/Camarines Norte PIO

Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya kabilang na ang dalawang bata makaraang salpukin ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito ng isang dump truck sa Labo, Camarines Norte, Lunes.

Kinilala ang mga nasawi sa aksidente na sina Ricosan Hagad, Lilibeth Bayog at dalawa nilang anak na sina Daniella, 7-taong gulang at Richell 2-taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng motorsiklo lulan ang mga biktima ang kahabaan ng Maharlika Hiway, Purok 4, Sitio Magtaganque, Bgy. Bagong Silang Uno, nang makasalubong ang dump truck dakong alas-2:00 ng Lunes ng hapon.

Diumano, tumawid ng kabilang lane ang naturang dump truck na minamaneho ni Norben Doctolero kung kaya’t nasalpok nito ang kasalubong na motorsiklo.

Dahilan ng driver, may iniwasan umano siyang aso sa kalsada kaya’t kumabig ito at tuluyang nasalubong ang motorsiklo.

Sa kasalukuyan, hawak na ng mga otoridad ang driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide dahil sa aksidente.

Read more...