Saudi prince, patay matapos umanong manlaban sa mga otoridad

 

Nasawi isa pang prinsipe ng Saudi Arabia matapos umano itong manlaban sa mga otoridad na aaresto sana sa kanya.

Kumakalat ngayon sa Saudi Arabia ang naturang balita na namatay sa mga tama ng bala si Prince Abdulaziz Bin Fahd, 44 na taong gulang.

Ayon sa ulat ng The Duran at Al-Masdar News, namatay ang prinsipe nang makipagpalitan ng putok sa mga otoridad ang security team nito.

Kinumpirma naman ito ng dating FBI Special Agent na si Ali H. Soufan na nagsabing una nang naaresto ang prinsipe noong Sabado.

Si Prince Aziz ay ang pinakabatang anak ni King Fahad ng Saudi.

Matatandaang noong Linggo lamang, nasawi rin si Prince Mansour bin Muqrin sa isang helicopter crash kasama ang ilan pang opisyal.

Nitong nakalipas na mga araw, pinaigting ng Saudi ang kampanya laban umano sa korupsyon sa kaharian.

Sa kasalukuyan, 11 prinsipe at 38 dating government minister ang nakadetine kaugnay ng anti-corruption sweep sa Saudi.

Read more...