Suspek sa pagpatay sa Grab driver, sumuko na

 

Mula sa inquirer.net

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang prime suspect sa pumatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr.

Alas-8:00 ngayong gabi, nang sumuko sa Pasay Police si Narc Delemios, 25 taong gulang.

Habang ang sasakyan naman na minamaneho ni Maquidato na tinangay ng suspek, ay kasalukuyang nirerekober ngayon ng pulisya sa Tarlac City.

Una nang pinayuhan ni Superintendent Gene Licud, Deputy for Operations ng Pasay police si Delemios na sumuko na at harapin ang kaniyang kaso.

Maliban sa pagpatay sa Grab driver, mayroon pang pending na warrant of arrest sa kasong murder ang suspek na inisyu ng Parañaque City Regional Trial Court noong February 3, 2015.

Matatandaang napatay si Maquidato ng suspek na nag-book at sumakay bilang regular na pasahero ng Grab noong October 26.

 

Read more...