6 na raliyista arestado, logo at seal ng US Embassy tinapunan ng pintura

12033352_902550719811487_903778751_n
Kuha ni Ruel Perez

Maagang sumugod sa harapan ng US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila ang mga militanteng kabataan.

Hindi agad naharang ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga raliyista na pawang miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at Anakbayan.

Nagawa ng grupo na batuhin ng mga plastik na may lamang pintura ang logo at seal ng US Embassy bago sila naitaboy ng mga pulis. Nagkaroon pa ng tulakan at pukpukan bago tuluyang napalayo sa entrance ng US Embassy ang mga raliyista.

Kinukundina ng grupo ang umano’y pagtatraydor ng gobyerno ng Pilipinas sa mamamayan sa pamamagitan ng mga kasunduan sa mga Amerikano na matagal ng ibinasura.

Ang kilos protesta ay kasabay naman ng paggunita ng ika-24 na anibersaryo ng pagkakabasura ng US military bases sa bansa noong September 16, 1991.

Dahil sa nasabing protesta, anim na mga kabataang lalaki na miyembro ng LFS at Anakbayan ang inaresto at binitbit ng mga pulis para maimbestigahan sa presinto.

Ayon sa grupo, panimula pa lamang umano ang kilos protesta sa mga ikinakasa nilang pagkilos sa pagsalubong sa APEC Summit sa Nobyembre.

Read more...