Tatlo sa apat na Pinoy, maaaring makaboto sa 2016 Presidential Elections

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Tatlo sa apat na Pinoy ang maaaring makaboto sa nalalapit na 2016 Presidential Elections.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o (SWS) na isinagawa noong June 5 hanggang June 8, sinabing 76 porsyento mula sa 1,200 na tinanong na mga registered voters ang sumailalim na sa digital biometrics.

Ang bilang ng mga registered voters na tinanong ay kumakatawan umano sa 46.6 milyong mga Pilipino.

Mas mataas ito sa 75 porysento na naitala noong Marso, at lalong higit mula sa resulta na 63 porsyento noong Disyembre 2014.

Ayon din sa naturang survey na ang 16 porsyento ng mga tinanong ay may katumbas na 9.7 milyong katao na nakarehistro, bagamat ang kanilang pangalan ay wala sa biometrics data.

Walong porsyento naman ng mga tinanong o katumbas ng 4.7 milyong Pinoy ay hindi pa nakarehistro para sa darating na halalan.

Nakasaad sa Republic Act (RA) No. 10367 na ang lahat ng botante ay kailangang makapagvalidate ng kanilang mga pangalan sa pamamagitan ng biometrics data.

Kasama na dito ang pagkuha ng larawan, fingerprint, pirma, at ilang mahahalagang personal na impormasyon.

Tatagal hanggang October 31 sa buong bansa ang biometrics registration para sa mga botante.

Read more...