Target ng National Housing Authority (NHA) na tapusin sa 2019 ang Yolanda housing program ng pamahalaan.
Sinabi ni NHA engineer Grace Guevarra na pagsapit ng 2019 ay mabibigyan na ng permanent housing units ang mga kwalipikadong biktima ng nasabing bagyo.
Sa tala ng NHA, aabot sa 205,128 housing units ang kanilang kailangang gawin para sa mga biktima ng bagyo na nagmula sa labingapat na mga lalawigan na sinalanta ng supertyphoon Yolanda.
Aminado rin ang opisyal na nagkaroon ng pagkabalam sa paggawa ng housing units dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan.
Nagkaroon rin umano ng aberya sa listahan ng mga housing benificiaries.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na titiyakin niyang mabibigyan ng maayos na malilipatan ang mga biktima ng bagyo noong 2013 na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga temporary shelters ang ilan sa kanila.