Mga pasahero ng MRT, pinababa dahil sa technical problem

DOTC-MRT’s Twitter page

Muli na naman sinalubong ng aberya ang mga pasahero ng MRT-3 ngayong umaga.

Pinababa ang mga pasahero ng isang tren ng MRT dahil sa technical problem.

Sa tweet ng DOTC-MRT3, nakasaad na nagpababa ng mga pasahero sa North Avenue Station southbound kaninang alas sais ng umaga.

Ito ang unang aberya na naranasan ng MRT ngayon araw, kasunod ng limang beses na pagpapababa ng mga pasahero kahapon, araw ng Lunes, dahil pa rin sa technical problem.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa abalang idinulot sa publiko.

Read more...