Sugatan ang isang pasahero ng LRT-1 makaraang maipit sa pintuan ng tren.
Ayon sa ulat, papasok na ng tren sa Gil Puyat Station si Julieto Eco, 48 years old, residente ng Tanza, Cavite nang biglang sumara ang pintuan.
Nakalabas pa ang kalahati ng katawan ni Eco nang umandar na ang nasabing tren.
Pero agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa isang security guard na sumenyas naman sa driver ng tren na huminto.
Nagtamo ng ilang sugat sa katawan at mukha si Eco na isinugod na sa Adventist Medical Center.
Iniimbestigahan na ngayon ang insidente at nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamunuan ng LRT 1.
Samantala, kaninang 5:20 ng umaga ay pinababa naman ang mga pasahero ng LRT-1 sa Carriedo Station dahil sa pagbaba ng suplay ng power voltage.