Ito ang kaniyang reaksyon sa sinabi ni Roque na dapat malaman ni Uson at ng mga Diehard Duterte Supporters (DDS) ang papel ng mainstream media sa pagbubunyag ng mga katiwalian sa gobyerno.
Ipinagtanggol din ni Uson ang mga taga-suporta ng pangulo, at sinabing ang mga ito ay hindi naman katulad ng mga “dilawang troll” na nababayaran para lang manggulo sa social media dahil may sarili silang mga pag-iisip.
Mungkahi ni Uson kay Roque, dapat ipaalala din sa media na igalang ang mga DDS dahil mayroon din naman silang mga sariling opinyon bilang netizens.
Hindi naman nakalusot sa pambabatikos ng mga DDS at mga bloggers na taga-suporta ng pangulo ang mga pahayag ni Roque na anila’y “pro-mainstream media.”
Sinabi rin kasi ni Roque na may naging ambag din ang mainstream media sa pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mga bloggers tulad na lamang ni RJ Nieto, Sass Rogando Sasot at iba pa, hindi nila inakalang ang ibinibida ni Roque noon na ibabatong “hollow blocks” laban sa mga kritiko ng pangulo ay sa kanilang mga taga-suporta pala ibabato.
Ayon pa kay Nieto, mala-‘trapo’ o “traditional politician” ang dating ni Roque sa ginawa niyang ito dahil alam naman nitong “non-issue” ang mga ibinabato ng mainstream media pero sinasakyan pa rin ito ng kalihim.
Inakusahan naman ni Sasot si Roque na masyadong nilalambing ang media para magamit ang mga ito para manalo siya sa susunod na eleksyon.
Kasunod nito, maraming mga taga-suporta ng pangulo ang nananawagan kay Roque na magbitiw na sa pwesto dahil hindi anila dapat nagbibigay ng kaniyang opinyon ang tagapagsalita na maaring isipin ng publiko na pananaw din ng pangulo. / Kabie Aenlle
Excerpt: Hindi nagustuhan ng mga pro-Duterte ang pagdedepensa ni Roque sa mainstream media.