Pagbibitiw sa pwesto, wala sa plano ni CJ Sereno

 

Tumanggi si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pagbigyan ang mga panawagan sa kaniya na kusa nang magbitiw sa pwesto, dahil sa nakabinbing impeachment case laban sa kaniya.

Isa sa mga huling humimok sa kaniya na gawin ito ay si Presidential Spokesperson Harry Roque, na iginiit na ang kusang pagre-resign ni Sereno ay makakatulong para huwag nang mapalaki ang pinsalang naidudulot niya sa hudikatura.

Pero ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz, hindi magre-resign si Sereno kasabay ng pag-giit na wala naman siyang ginawang anumang ikapapahamak ng hudikatura.

Dagdag pa ni Cruz, tulad ng kanilang naunang sinabi, kailanman ay hindi naging bahagi ng mga pinagpipilian o options ni Sereno ang pagbibitiw sa pwesto.

Haharapin aniya ni Sereno ang impeachment proceedings para ma-preserve ang dignidad at kasarinlan ng Supreme Court at ng Office of the Chief Justice.

Samantala, kumpyansa naman ang kampo ni Sereno na mamasura ang impeachment complaint laban sa kaniya dahil may tiwala pa rin sila sa democratic institutions ng bansa.

Read more...