Asec. Uson, leleksyunan ni Usec. Roque sa kahalagahan ng ‘mainstream media’

 

Bibigyan ng leksyon ni Presidential Spokesman Harry Roque si Communications Assistant Secretary Mocha Uson kaugnay sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mainstream media.

Ayon kay Roque, malaki ang naging papel ng mainstream media sa pagsisiwalat ng mga katiwalian ng nakaraang administrasyon.

Naging susi rin aniya ang mainstream media para maluklok sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, umaapela si Roque sa mga ka-DDS ni Uson o yung mga Duterte Diehard Supporter na lubayan ang mainstream media.

Tinatayang aabot sa halos limang milyon ang mga ka-DDS ni Uson.

Read more...