2 bilanggo nakatakas sa Tacloban

 

Dalawang inmate na nakadetine sa custodial facility ng Tacloban City Police ang nakatakas kagabi.

Kinilala ang mga nakatakas na sina Mark Paul Grabillo, na may kaso kaugnay sa iligal na droga; at si Rogelio Lo, na may kaso namang frustrated homicide.

Ayon sa tagapagsalita ng Tacloban Police na si Chief Inspector Rex Cantilep, sinabi umano ni Lao na nahihirapan siyang makahinga kaya inilabas ito sa lobby ng piitan.

Nagpanggap si Grabillo na tutulungan niya si Lao, pero nang magkaroon ng pagkakataon ay magkasabay silang tumakbo palabas ng kulungan.

Kaagad na nagsagawa ng hot pursuit operations ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ngayong araw ni Lao habang nananatiling nakapuga si Grabillo.

Samantala, iniimbestigahan ngayon ang bantay sa naturang piitan na si PO1 Mark Bardillon tungkol sa pagkakatakas ng dalawa.

Read more...