Ayon kay QC Jail Warden Supt. Ermilito Moral, kinakailangan ng mas malaking kulungan para magkasya ang mahigit 3,000 bilanggo.
Sa ngayon kasi, aabot na sa 3,400 ang kasalukuyang nakakulong sa QC Jail na orihinal na ginawa para lang sa 700 bilanggo.
Paliwanag ng opisyal, nagiging karaniwang sanhi ng mga riot o kaguluhan at hindi pagkakaunawaan ng apat na grupo tulad ng Bahala Na Gang, Batang City Jail, Sputnik at Sige-sige ang masikip na pasilidad.
Pag-aamin pa nito, nahihirapan din sila sa pagtigil ng mga riot dahil punung-puno ang mga kulungan.