Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ng mahigit 1,200 nurses at 100 respiratory therapists sa Saudi Arabia.
Ayon kay POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez, dapat magrehistro ng mga nais mag-apply ng trabaho sa kanilang tanggapan.
Paliwanag pa nito, documentation fee na lang ang gagastusin ng mga aplikante at hindi na kasama ang placement fee.
Ang kagandahan pa aniya, maaaring matanggap sa mga naturang posisyon ang mga high school graduates.
Posible namang pumatak ang starting salary ng specialist nurse sa P56,000 kada buwan habang aabot naman sa P109,000 kada buwan ang respiratory therapists.
Samantala, naghahanap rin ng 200 factory workers sa food processing, food analysis inspectors at bakers sa Taiwan kung saan aabot naman sa P35,000 ang sweldo kada buwan.
Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang mga Pilipinong aplikante sa mga illegal recruiters na magkakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng social media.