Ikinakasa na ng Bureau of Immigration ang deportasyon ng Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa economic crimes.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto nila ang suspek na si Lin Ayong sa Binondo, Manila matapos na itimbre sa kanila ng embahada ng China sa Pilipinas ang kasong kinasasangkutan nito.
Nakadetine ngayon si 54-anyos na si Lin sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang summary deportation order ng Immigration Board of Commissioners.
Kinumpirma din ni Morente na kanselado na ng pamahalaan ng China ang pasaporte ni Lin.
Isinama na si Lin sa blacklist file ng Immigration Bureau at hindi na ito papayagang makabalik pa ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES