Biyahe ng LRT at MRT, nagka-aberya

(UPDATE) Nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) at Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong Lunes ng umaga.

Ayon sa abiso ng LRT-1, nakaranas ng aberya ang biyahe ng isa nilang tren sa bahagi ng DOroteo Jose Station pasado alas 8:00 ng umaga.

Bagaman hindi tinukoy kung anong partikular na problema ang naranasan, kailangan umano itigil saglit ang biyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Alas 8:18 naman nang umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng LRT line 1.

Samantala, alas 8:12 naman ng umaga, pinababa ang mga pasahero ng MRT sa Cubao station southbound.

Ito ay makaraang magkaroon ng technical problem ang isang tren ng MRT.

Alas 9:47 ng umaga, muling nagka-aberya ang biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa Magallanes northbound.

Habang naitala ang ikatlong aberya sa MRT alas 10:23 ng umaga.

Ayon sa abiso ng MRT sa kanilang twitter, muling nagpababa ng mga pasahero sa Santolan station southbound alas 10:23 ng umaga dahil sa nagkaproblemang tren.

Lahat ng tren ng mRT na nakaranas ng problema ay ibinalik sa depot para makumpuni.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...