PNP, naka-full alert na simula November 8 hanggang 15 para sa ASEAN Summit

Bilang paghahanda sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit, ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status sa kanilang hanay simula sa November 8 hanggang 15.

Ayon kay PNP chief Director Gen. Ronald Dela Rosa, pitong araw na idedeploy ang kanilang buong pwersa sa EDSA, walang uwian at wala din exempted.

Bubuhayin aniya nila ang Reserved Standby Security Force ng national headquarters para tumulong sa ASEAN Task Force.

Ito’y matapos hilingin ng mga regional police office na ibaba sa tatlongdaan ang dapat ay nasa 1,200 na tauhan na iniutos sa kanila na ipadala para sa aktibidad.

Sinabi ni Dela Rosa na huhugutin nila sa Reserved Standby Security Force ang magiging kulang na police personnel na magbabantay sa ASEAN Summit.

Kahapon, isinagawa naman ang send-off ceremony sa libu-libong sundalo at pulis na ipakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para magbigay ng seguridad sa nasabing aktibidad.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...