Saudi prince, patay sa helicopter crash malapit sa Yemen border

Nasawi ang prinsipe ng Saudi nang mag-crash ang sinasakyan nitong helicopter malapit sa southern border ng Yemen.

Sa ulat ng news channel na Al-Ekhbariya, nasawi sa crash si Prince Mansour bin Muqrin na deputy governor ng Asir province.

Maliban sa prinsipe, sakay din ng helicopter ang ilan pang opisyal.

Hindi naman tinukoy sa ulat kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Naganap ang helicopter crash makaraang masabat at magawang wasakin ng Saudi Arabia ang ballistic missile malapit sa international airport ng Riyadh.

Ang nasabing missile ay pinakawalan mula sa Yemen at target sanang atakihin ang Saudi capital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...