Tatlong weather systems, umiiral sa buong bansa, binabantayan ng PAGASA

Magiging maulap ang papawirin sa halos buong bansa ngayong araw dahil sa tatlong weather systems na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, ang tail-end ng cold front ang naka-aapekto sa eastern section ng Northern at Central Luzon, easterlies naman ang umiiral sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao, habang Northeast Monsoon ang naka-aapekto sa nalalabi pang bahagi ng Northern Luzon.

Para sa weather forecast ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Bicol, Eastern Visayas, Caraga, Davao at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ito ay dahil sa epekto ng tail-end ng cold front at easterlies.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated rainshowers dahil sa thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

Read more...