Magsasagawa ng tatlong araw na cloud-seeding sa ilang bahagi ng Malaysia partikular sa Borneo Island dahil sa patuloy na nararanasang makapal na usok na nagmula sa bansang Indonesia.
Nagpadala na rin ang Malaysian authorities ng kanilang mga aircraft na tutulong sa nasabing cloud-seeding upang makatulong sa paglilinis ng hangin.
Iniutos naman ng Education Ministry sa mga eskwelahan sa Kuala Lumpur, Putrajaya, Negeria, Sembilan at Malacca na magsara dahil lubha masama ang usok sa kalusugan ng mga bata.
Ang taunang pagsusunog sa kagubatan sa Indonesia ay paghahanda sa kanilang muling pagtatanim kung saan ang makakapal na usok ay nagdudulot ng pagdumi ng hangin na umaabot hanggang Malaysia, Singapore at ilang karatig bansa.
READ NEXT
Pagbibitiw ni Sec. Kiko Pangilinan, hindi makakaapekto sa paghahanda ng gobyerno sa El Niño
MOST READ
LATEST STORIES