Ayon sa pulisya, walang untoward incidents ang naiulat sa loob at labas ng UST kung saan nauna na ngang idineploy ang higit 700 na karamihan ay miyembro ng Manila Police District.
Maraming polisiya ang ipinatupad tulad ng liquor ban sa 100-meter radius ng pamantasan; “no parking policy” sa kahabaan ng España at Dapitan; pagbabawal sa mga malalakas na tunog, tarpaulins at tents.
Required din ang mga examinees na gumamit ng transparent at see-through na bags para masiguro ang seguridad.
Unang beses din na nagdeploy ang Korte Suprema ng tinatawag na “Justice on Wheels” bus sa may UST upang magsilbing special trial court na didinig sa kaso ng mga magtatangkang manggulo sa exam.
Sinumang lumabag o manggulo ay maaaring on-the-spot na pagmultahin at ikulong ng hindi lalampas sa sampung araw depende sa magiging desisyon ng isang metropolitan trial court judge.