Dagdag-singil sa ilang bahagi ng NLEX, simula na ngayon

 

Inquirer file photo

Simula na ngayong araw, Lunes November 6 ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa toll rates sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway o NLEX.

Ayon sa NLEX madadagdagan ng P0.25 sentimmos ang singil kada kilometro ng mga motoristang dadaan sa closed system ng naturang expressway, epektibo ngayong umaga.

Partikular na ipapatupad ang toll increase sa bahagi ng NLEX sa pagitan ng Marilao exit sa Bulacan hanggang Sta. Inez exit sa Mabalacat, Pampanga.

Dahil sa toll fare increase, madaragdagan na ng P18 pesos ang toll fee para sa mga Class 1 vehicles samantalang dagdag na P46 at P56 pesos naman para sa mga Class 2 at Class 3 na uri ng sasakyan.

Maliban dito, wala namang magiging dagdag sa toll para sa iba pang bahagi ng NLEX.

Read more...