Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng pagyanig may anim na kilometro ang layo sa timog-kanlurang bahagi ng Malilipot, Albay.
May lalim itong siyam na kilometro ang tectonic ang pinagmulan.
Naitala ng Phivolcs ang intensity IV na paggalaw ng lupa sa bayan ng Guinobatan, Albay.
Nakapagtala naman ng Instrumental Intensity IV sa bayan ng Legazpi City.
Wala namang naitalang pinsalang idinulot sa mga naapektuhang lugar ang naturang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES