Pauwi pa lang sana ang magkasintahan na sina James Peter at Justine Danielle galing sa isang computer shop sa Morayta nang bigla silang nakawan ng cellphone at bag at makaraan nito ay tutukan ng kutsilyo.
Nagtangka pang lumaban si James para ipagtanggol ang kanyang girlfriend.
Tinulak nya ang suspek na kilala sa alyas ‘Marlon’ at natumba ito sa sahig.
Dito na napawasiwas ng kutsilyo ang suspek kung saan nadaplisan sa ilalim ng tyan at kaliwang hita si James.
Agad namang nakahingi ng saklolo ang magkasintahan mula sa mga tao sa kalsada at dito na pinagtulungan ang suspek.
Ayon kay Kagawad Rickie Andres ng Brgy 454 zone 45 sampaloc manila, 5 minuto pa silang nakipaghabulan sa suspek bago nila ito nahuli sa may Don Quijote St. Corner Espana.
Agad na dinala sa MPD Station 4 ang biktima at dito na narekober sa kanya ang isang kutsilyo na nasa 12 inches ang haba.
Aminado ang suspek sa pagnanakaw na ginawa nya.
Mahaharap ang suspek sa kasong robbery hold-up.