Sigurado nang pasok ang Adamson University Soaring Falcons sa finals ng UAAP Season 80 Men’s Basketball Tournament matapos nitong talunin ang University of the Philippine Fighting Maroons sa kanilang huling laro.
Tinalo ng Falcons ang Maroons sa iskor na 86-70.
Dahil dito, nakapagtala na ang Falcons ng 9-4 win-loss record at kasalukuyang nasa ikatlong posisyon sa torneo, habang bumaba naman ang Maroons sa ikalimang pwesto sa win-loss record na 5-7.
Ayon sa head coach ng Adamson na si Franz Pumaren, nasa Final Four mode na ang kanilang koponan.
Pinangunahan ni Papi Starr ang pagkapanalo ng Falcons matapos niyang magtala ng 25 puntos at 17 rebounds. Sinundan naman siya ni Jerie Pingoy na nagtala ng 15 puntos, walong assists, at anim na steal.
Para naman sa Fighting Maroons, si Javi Gomez de Liaño ang nanguna na nakapagtala ng 10 puntos at 10 boards.