2 patay sa pananalanta ng bagyo sa Malaysia

 

AP photo

Dalawang katao ang namatay habang nasa 2,000 naman ang nag-evacuate matapos magdala ng matinding pagbaha ang bagyong sumalanta sa isla ng Penang sa Malaysia.

Maging ang mga kalsada ng George Town sa Penang Island na itinuturing na UNESCO World Heritage site ay lumubog sa maruming tubig baha.

Ayon kay Penang Chief Minister Lim Guan Eng, pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang biktima.

Ayon naman kay Defense Minister Hishammuddin Hussein, ipinakalat na nila ang militar para tulungan ang mga biktima ng pagbaha, kabilang dito ang mga nag-evacuate sa binahang ospital na mahigit 100 pasyente at apat na bagong silang na mga bata.

Read more...