68 bahay, tinupok ng apoy sa Jaro, Iloilo

 

Animnaput walong tahanan ang naabo habang apat naman ang bahagyang nasira matapos itong tupukin ng apoy sa Barangay Benedicto sa Jaro, Iloilo.

Limamput anim na pamilya o 224 na indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa Jaro District Gymnasium na nagsilbing evacuation site para sa mga biktima.

Ayon sa Iloilo City Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Reynaldo Ledesma at kaagad na kumalat sa mga kalapit na kabahayan.

Tinatayang aabot naman sa apat na milyong piso ang kabuuang danyos sa naturang sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng naturang sunog.

Read more...