Pagkatapos ng misa sa EDSA Shrine, nagtungo ang mga nagsipagdalo sa EDSA People Power Monument upang ipagpatuloy ang panawagan na mahinto na ang mga extrajudicial killings sa bansa.
Hindi bababa sa 5,000 katao ang dumalo sa ‘Start the Healing’ rally upang igiit na masimulan na ang pagpapagaling o healing matapos ang gabi-gabing patayan sa mga lansangan sa Metro Manila at mga probinsya.
Bitbit ang mga placards at kandila, nanawagan ang mga dumalo sa rally sa mga otoridad na iwaksi ang karahasan at isulong ang kapayapaan at maayos na pagpapatupad ng batas.
Bukod sa mga ordinaryong mamamayan, dumalo rin sa okasyon na ang iba’t-ibang mga cause-oriented groups.
Kabilang rin sa dumalo sa okasyon sina Senador Bam Aquino, Franklin Drilon.
Bago ang rally, isang misa ang ginanap sa EDSA Shrine sa pangunguna ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.