Kanselado ang klase sa lahat ng antas, kapwa sa pribado at pampubliko bukas, November 6 para sa probinsya ng Cagayan.
Sa anunsyong inilabas ni Cagayan Governor Manual Mamba, ang kanselasyon ng pasok ay bunsod ng mga pagbaha dulot ng mabibigat na pag-ulan na dala ng northeast monsoon o hanging amihan.
Ilang araw nang nakakaranas ng mga pag-ulan ang lalawigan na nagdudulot ng mga baha sa lugar.
READ NEXT
‘Walang gobyernong forever. Walang politikong forever. God lang ang forever’-Arch. Villegas
MOST READ
LATEST STORIES