Privatization ng LRT 1, idinepensa ng DOTC sa Kamara

lrt
Inquirer file photo

Para sa pangmatagalang gamit at future development ang privatization ng ilang pasilidad ng gobyerno kabilang ang mass transport system.

Ito ang iginiit ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya nang matanong ni Bayan Muna PL Rep. Neri Colmenares kung bakit kailangang i-privatize ang LRT 1 gayung kumikita naman ito.

Paliwanag pa ni Abaya, mas may kakayanan ang pribadong sektor pagdating sa maintenance.

Sa kaso aniya ng LRT 1 na bagaman kumikita, labis na bugbog naman ang mga tren nito.

Ayon pa kay Abaya, ang halaga ng imprastraktura ng private sector para sa LRT 1 ay 35 billion pesos o 75 percent ng DOTC budget.

Inamin ng Kalihim na kung aasahan daw ang gobyerno, malayo pang maikasa ang iba pang proyekto gaya ng Cavite extension.

Sa kabila ng privatization, tiniyak ni Abaya na nasa pamahalaan pa rin ang pagmamay-ari ng pasilidad at babantayan nila ito para hindi makapagsamantala ang pribadong sektor.

Read more...